Wikia

WikiSagot

Test

Ibigay ang Kalgirang pangkasaysayan ng tula sa panahon ng hapon?

Usapan0
45,579pages on
this wiki

Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo. (magbigay ng mga alam na bugtong at salawikain)


Panahon ng Kastila Mula noong 1902 hanggang 1910, maraming makatang pilipino ang sumulat ng mga tula sa wikang kastila. Ang madalas na mga paksa ay mga tulang papuri, at paghanga kay Dr. Jose Rizal at pagdakila sa bayan. Ang lalong tumatanyag ay sina cececilio apostol, Fernando ma. Guerero, jesus balmori, manuel bernabe, claro m. recto, at marami pang iba, subalit ang ipinalalagay na kauna-unahang makata sa Kastila sa panahon ng mga amerikano ay si jose de vergara. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.

Halimbawa: Isinalin na lamang sa Wikang Filipino Pag-ibig mo’y walang kahambing o pusong maawain kaya’t ang bayan namin sa’yo ang puso’y hain sa simbaha’t tahanan ikaw ang tinatawagan maghari kang tunay sa aparri hanggan jolo


Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.


Panahon ng Hapones Para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

-Namalasak ang : haiku at tanaga Ulilang damo Kabibi

Ulilang damo Kabibi, ano ka ba? Sa tahimik na ilog May perlas, maganda ka; Halika, sinta. Kung idiit sa tainga Nagbubuntung-hininga

-17 pantig (5-7-5) 3 taludtod - 7 pantig na may 4 na taludtod

-Matalinghaga at masining ang pagpapahayag -namayani ang malayang taludturan

Around Wikia's network

Random Wiki