Wikia

WikiSagot

Ask a question...

Mga tula sa matandang panahon?

Usapan0
43,390pages on
this wiki

Ang Matandang Panahon ng Panulaang Pilipino

-May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito -Alibata ang kadalasang ginagamit -Gumagamit sila ng mga biyas ng kawayan. Talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat

2 Bahagi ng Matandang Panitikan: 1.Ang Kapanahunan ng mga Alamat 2.Ang Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang-Bayani -Ang panitikan noon ay binubuo ng mga: -Bulong na pangmahiya (incantations) -Kwentong-bayan -Alamat, at -Tulang panrelihiyon -Karamihan ay salig sa pananampalataya at pamahiin

Mga Bulong -Ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto hal. Nagnakaw ka ng bigas ko,Umulwa sana ang mata mo,Mamaga ang katawan mo,Patayin ka ng mga anito.”

Mga Alamat sa Paglikha ng Daigdig “Ang Pinagmulan ng Sansinukob” “Ang Pinagmulan ng Daigdig” “Ang Unang Lalaki at Babae” “Ang Pinagmulan ng Araw at Gabi”

Katangian ng Kapanahunan ng mga Epiko ~Katunayang pampanitikan: -Alibata / Baybayin Ginamit sa Luzon at Visayas -Sanskrito Ginamit sa Mindanao at Sulu

Epiko ng mga Ipugaw -Ang “Hudhud” -Ang “Alim”-Kasaysayang Halaw sa “Alim”

Ang “Darangan” ng mga Moro -Salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga tao sa Maguindanao -Ang “Bantugan”-Ang “Daramoke-a-Baboy” -Ang “Indarapatra at Sulayman”

Ang “Bidasari” -Isang epiko-romansang Malay na nasasalig sa matandang paniniwalang napatatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay paingatan sa isang isda. Hayop, bato, o punungkahoy.

Ang Epiko ng mga Bisaya May 4 na epiko: ~Ang “Maragtas”-Hinggil sa 10 datong Malay na tumakas ~Ang “Haraya”-Katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang-asal ~Ang “Lagda”-Katipunan ng mga salaysay at pangyayaring nagpapakilala ng mabuting pannunungkulan sa pamahalaan ~Ang “Hari sa Bukid”-Hinggil sa kapangyarihan ng isang haring hindi nakikita ngunit alam na nakatira sa taluktok ng bundok Kanlaon

Ang Epiko ng mga Tagalog ~“Kumintang”-Kasaysayan ng mga pandirigma ng mga kawal nina Datu Dumangsil ng Taal, Datu Balkasusa ng Tayabas, at ng Bai ng Talim.

Ang Epiko ng mga Bikol “Ibalon”-Isang epikong nagbibigay kamula-mulaan ng mga unang nanirahan sa mga lupaing Aslon at Ibalon Ang epiko ay inawit daw sa matandang Bikol ng isang makatang manlalakbay na ang pangalan ay Kadungnung.

Ang Epiko ng mga Iloko ~“Si Pedro Bukaneg” ~“Biag ni Lam-ang” (Buhay ni Lam-ang) -May isang libong taludtod na tula, bagamat walang tiyak na sukat o nababakas na talataan

Mga Ibang Epiko ~“Parang Sabir”~Isang awitin ng mga Moro ng Sulu ~“Dagoy” at “Sudsud”-Ng mga Tagbanwa ng Palawan ~“Tatuaang”-Ng mga Bagobo sa timog Mindanao ~“Kabuniyan”“Bendian”-Ng mga Ibaloy sa kabundukan ng timog Benguet

Ang Mga Unang Dula ~Sa Kabisayaan-Sinasabing sa mga pulo ng Panay, Sugbu makikita ang mga unang dasto ng dula o drama ~Sa Lanaw at Holo-“Bayok/Embayoka” – isang pagtatalong patula

BUGTUNGAN-isang libangang sagutan-binibilang natin sa mga unang pahayag ng tao sa drama-laganap sa buong kapuluan hal. May binti, walang hita,May tuktok, walang mukha (Kabute)

Talinghaga May lamang tayutay na kailangang sagutin ng paliwanag

“Palaisipan” na may lamang tuusing pang-aritmetika o suliraning pangkabuhayan

hal. Ang paghahangad ng tuwa Di karali-raling lubha Kung ang pagkikita’y bigla Bigla rin ang pagkawala

Ang Mga Unang Tula -Mga Salawikain at Kasabihan-Nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-unawa sa ating mga ninuno -Ang salawikain ay nagbibiigay aral -Ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw-araw na gawainhal. Saan mang gubatAy may ahas.Kung ano ang itinaas-taas,Siyang binaba-baba sa pagbagsak

Ang Mga Unang Awiting-Bayan “Soliranin” - rowing songs “Talindaw” - boat songs “Diona” - nuptial or courtship songs “Uyayi” - lullaby“Dalit” - hymns “Kumintang” - war or battle songs “Sambotani” - victory songs “Kundiman” - love songs(walang halimbawa) Meron rin sa iba't-ibang lugar katulad ng: ~Ipugaw~Igurot~Kalingga~Iluko~Panggasinan~Negrito~Tinggiyan~Bisaya~Bagobo sa Mindanao~Moro~Tagbanwa sa Palawan

Mga Awiting Panrelihiyon -Panawagang Dalangin

Mga Kwentong-Bayan-Moro Si Pus at si Taman -Dalawang Kwentong Bayan ng Bagobo Ang Pagkunaw Ang Pagkunaw Ang Unanag Mag-asawa -Kwentong Bayan ng mga Manobo -Sa Lanaw at Kotabato -Kwentong bayan ng mga Tinggiyan

Kamakailang Galaw sa Wiki

Tumingin pa >

Around Wikia's network

Random Wiki